Inilunsad ng EPA ang Mga Update sa Environmental Justice Mapping Tool EJScreen
WASHINGTON (Okt. 11, 2022) - Na-update ng U.S. Environmental Protection Agency (EPA) at nagdagdag ito ng bagong mga katangian sa EJScreen, ang pampublikong environmental justice (EJ) screening at mapping tool ng Agency. Pinagsasama ng EJSCreen ang environmental at socioeconomic na impormasyon para makilala ang mga area na sobrang nahihirapan sanhi ng polusyon. Kasama sa EJScreen 2.1 ang pagdagdag ng bagong data sa mga teritoryo sa Estados Unidos, mga threshold map na nagbibigay ng pangkalahatang pananaw, at pandagdag na mga indeks na nagbibigay ng iba pang socioeconomic na impormasyon.
“Sinusoportahan ng EJScreen ng EPA ang trabaho ng Agency para makapaghatid ng environmental justice at nagkakaloob sa mga di masyado napaglilingkuran at sobrang nahihirapan na mga komunidad ng tamang tools para maunawaan at maging bahagi sa proteksyon ng kalusugan ng tao at ng kapaligiran,” sabi ni Marianne Engelman-Lado, Kumikilos na Principal Deputy Assistant Administrator para sa Office of Environmental Justice and External Civil Rights. “Ang dagdag na data na sakop ang mga teritoryo ng Estados Unidos at ng aming bagong mga threshold map ay lubos na makakapagpahusay sa paggamit ng EJScreen at hindi lang ang EPA, pero sa buong bansa rin.”
Bilang tugon sa puna na galing sa komunidad para mapalawak ang naaabot ng tool, ang EJSCreen 2.1 ay may kasama na ngayon na environmental, demographic, at index data para sa US Virgin Islands, Guam, American Samoa, at sa Northern Mariana Islands. Kahit na ang EPA ay walang kumpletong data ng mga teritoryo na available sa limampung estado, ang pagsasama ng lahat ng kasalukuyang available na data para sa mga teritoryong ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpupursigi na makumpleto ang pagsasama sa lahat ng mga komunidad sa Estados Unidos sa tool.
Lumikha rin ang EPA ng isang pangkat ng “dagdag na mga indeks” bilang higit pang paraan upang mabigyang diin ang kahinaan ng mga populasyon na maaaring di wastong naaapektuhan ng populasyon. Ang pandagdag na mga indek ay gumagamit ng parehong pamamaraan at pagkukuwenta tulad ng mga indeks ng EJ pero sinasabi ang bagong five-factor supplemental demographic index. Anglimang socioeconomic na hudyat na isinasaalang-alang ay porsiyento ng mababang kita, porsiyento ng limitadong pananalita ng Ingles, porsiyento ng mas mababa sa high school na edukasyon, porsiyento ng walang trabaho, at mababang life expectancy (tagal ng buhay). Habang patuloy ang EPA na pangunahing umasa sa mga indeks ng EJ, na gumagamit ng average ng porsiyento ng mababang kita at porsiyento ng mga ibang lahi, ang mga supplemental indeks ay makakapagbigay ng higit pang pananaw sa posibleng kahinaan ng komunidad at maaaring mas magagamit sa ilang mga partikular na situwasyon tulad ng pagbibigay ng mga grant.
At, sinama ng EPA ang mga threshold map sa pagpapalabas ng EJScreen 2.1. Pinapahintulutan ng mga threshold map ang mga gumagamit ng EJScreen na tingnan ang lahat ng labindalawang indeks ng sabay-sabay, na nagbibigay ng pinagkaisang pananaw sa mahihinang populasyon na humaharap sa mas mabibigay na problema ng polusyon. Ang mga threshold map ay available sa parehong EJ indeks at sa mga supplemental indek at available na ipaghambing sa bansa at sa estado, na naghahandog sa mga user ng kakayahan na magkaroon ng mas malawak na pananaw sa mga indek para makatulong na mabigyang diin ang mga lugar na maaaring makagarantiya ng dagdag na konsiderasyon, pagsusuri o pakikipag-ugnayan. Ang EJScreen 2.1 ay nagtatampok rin ng pinakabagong available na 2016 – 2020 American Community Survey (ACS) data at mga bagong layer.
Sama-sama, ang mga pagpapahusay na ito ay makakapagpahintulot sa mga user na mas maunawaan ang posibleng nahihirapang mga populasyon na humaharap sa mas mabibigat na problema sa polusyon at gawing mas malinaw at mas maaasahan ang tool. Upang tulungan ang mga user sa EJScreen 2.1, ang EPA ay magbibigay ng mga pagsasanay at oportunidad para makasali sa bagong data at mga pagbabago sa tool.
Magbasa ng higit pang impormasyon sa EJScreen 2.1.(sa Ingles)
Magbasa ng dagdag na impormasyon tungkol sa environmental justice.(sa Ingles)