Ipinahayag ng EPA ang Bagong Mga Abiso sa Iniinom na Tubig para sa PFAS Chemicals, $1 Bilyon sa Bipartisan Infrastructure Law Funding para Mapalakas ang Mga Proteksyon sa Kalusugan
Ang Agency ay nagtatag ng bagong mga abiso sa kalusugan para sa GenX at PFBS at pinakaunti ang mga abisong pangkalusugan para sa sa PFOA at PFOS
WASHINGTON (Hunyo 15, 2022) – Ngayong araw, ang Environmental Protection Agency (EPA) ng Estados Unidos ay nagpalabas ng apat na mga abisong pangkalusugan para sa iniinom na tubig para sa per- at polyfluoroalkyl substances (PFAS) bilang pinakahuling kilos sa ilalim ng action plan (plano sa pagkilos) ni Presidente Biden para makapaghatid ng malinis na tubig at sa ilalim ng PFAS Strategic Roadmapni Administrator Regan. Ipinahayag rin ng EPA na inaanyayahan nito ang mga estado at territoryo na mag-apply para sa $1 bilyon – ang una sa $5 bilyon na Bipartisan Infrastructure Law grant funding – para matugunan ang PFAS at iba pang mga lumalabas na contaminant sa iniinom a tubig, lalo na sa maliliit at mahihinang komunidad. Ang mga kilos na ito ay nagpapalakas sa pagsulong ng EPA para mabantayan ang mga komunidad mula sa polusyon ng PFAS at batay sa science ay sasabihin ang mga susunod na pagsisikap, kasama na ang darating na namungkahing National Primary Drinking Water Regulation ng EPA para sa PFOA at PFOS, na ipapalabas ng EPA sa fall ng taong 2022.
“Ang mga tao na nasa front line ng kontaminasyon mula sa PFAS ay masyado nang matagal nagdusa. Ito ang dahilan kung bakit ang EPA ay nagsasagawa ng agresibong kilos bilang parte ng pamamaraan ng kabuuan ng gobyerno para maiwasan na ang mga kemikal na ito ay makapasok sa kapaligiran at makatulong na maprotektahan ang mga nasasangkot na pamilya mula sa lumalaganap na hamon na ito,” sabi ni EPA Administrator Michael S. Regan. “Salamat sa Bipartisan Infrastructure Law ni Presidente Biden, kami ay namumuhunan rin ng $1 bilyon para mabawasan ang PFAS at iba pang mga lumalabas na contaminant sa iniinom na tubig.”
“Ang mga pagkilos sa araw na ito ay nagbibigay diin sa pananagutan ng EPA para gamitin ang pinakamahusay na available na science para mapangasiwaan ang polusyon ng PFAS, maprotektahan ang kalusugan ng publiko, at makapagbigay ng kritikal na impormasyon ng mabilis at malinaw na paraan,” sabi ni EPA Assistant Administrator for Water Radhika Fox. “Ipinapakita rin ng EPA ang pananagutan nito ma mapagtugma-tugma ang mga patakaran na nagpapalakas sa mga proteksyon sa pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng pagpopondo sa mprastraktura para makatulong sa ng mga komunidad—lalo na ang mga komunidad na nahihirapan—at makapaghatid ng ligtas na tubig.”
Ipinahayag ni Assistant Administrator Fox ang mga kilos na ito sa 3rd National PFAS Conference sa Wilmington, North Carolina.
$1 Billyon para sa Bipartisan Infrastructure Law Funding
Bilang bahagi ng pagsisikap ng kabuuan ng gobyerno para maharap ang polusyon dulot ng PFAS, ginawa ng EPA na available ang $1 billion para sa grant funding sa pamamagitan ng Bipartisan Infrastructure Law ni Predidente Biden para matulungan ang mga komunidad na nasa mga frontline ng kontaminasyon mula sa PFAS, ang una sa $5 bilyon sa pamamagitan ng Batas na magagamit para mabawasan ang PFAS sa iniinom na tubig sa mga komunidad na nahaharap sa di balanseng mga epekto. Ang mga pondong ito ay magagamit sa maliliit at mahihinang komunidad para matugunan ang lumalabas na mga contaminant tulad ng PFAS sa iniinom na tubig sa pamamagitan ng mga kilos tulad ng teknikal na tulong, pagsusuri sa kalidad ng tubig, pagsasanay sa contractor, at pagkakabit ng centralized treatment technologies at systems.
Makikipag-ugnayan ang EPA sa mga estado at teritoryo ng may impormasyon kung paano maisusumite ang kanilang sulat ng paglalayon na lumahok sa bagong grant program na ito. Makikipagkonsulta rin ang EPA sa Mga Tribe at Alaskan Native Villages hinggil sa Tribal set aside para sa grant program na ito. Ang funding na ito ay nagbibigay suporta sa $3.4 bilyon na pagpopondo na ginagamit para sa Drinking Water State Revolving Funds (SRFs) at $3.2 bilyon sa pamamagitan ng Clean Water SRFs na maaari rin gamitin para matugunan ang PFAS sa tubig ngayong taon.
Mga Abisong Pangkalusugan para sa Habang Buhay na Iniinom na Tubig para sa Apat na PFAS
Ipinapalabas ng agency angmga abisong pangkalusugan ng PFAS na may augnayan sa bagong available na science at alinsunod sa pananagutan ng EPA para maprotektahan ang pampublikong kalusugan. Ang mga payo na ito ay nagpapahiwatig ng level ng kontaminasyon sa iniinom na tubig na salungat na nakaka-apekto sa kalusugan ay hindi inaasahan. Ang mga abisong pangkalusugan ay nagkakaloob ng teknikal na impormasyon na magagamit ng pederal, pang-estado, at lokal na opisyal para masabi ang development ng mga binabantayan na plano, pamumuhunan sa mga solusyon sa paggagamot, at mga patakaran sa hinaharap para protektahan ang publiko mula sa pagkakalantad sa PFAS.
Ang panghabang buhay na mga abisong pangkalusugan ng EPA ay kumikilala sa mga level para maprotektahan ang lahat, kasama na ang mga sensitibong populasyon at mga yugto ng buhay, mula sa mga salungat na epekto sa kalusugan na nagreresulta sa habang buhay na pagkakalantad sa mga PFAS na ito sa iniinom na tubig. Ang panghabang buhay na mga payong pangkalusugan ng EPA ay nagsasaalang-alang rin sa posibleng mga pinagmumulan ng pagkakalantad sa mga PFAS na ito na higit pa sa iniinom na tubig (halimbawa, nasa pagkain, hangin, mga consumer product, atbp.) na nagkakaloob ng karagdagang antas ng proteksyon.
Ang EPA ay nagpapalabasng panstamantala at na-updatena mga abisong pangkalusugan para sa iniinom na tubig para sa perfluorooctanoic acid (PFOA) at perfluorooctane sulfonic acid (PFOS) na pumapalit doon sa ipinalabas ng EPA noong 2016. Ang mga na-update na abiso sa mga level, na batay sa bagong science at ikinokonsidera ang habang buhay na pagkakalantad, ay nagpapahiwatig na ang ilang mga negatibong epekto sa kalusugan ay maaaring maganap kapag may mga concentration ng PFOA o PFOS sa tubig na malapit sa zero at mas mababa sa kakayahan ng EPA na matuklasan ito sa ngayon. Ang mas mababa na level ngPFOA at PFOS, mas mababa ang panganib sa kalusugan ng publiko. Inirerekumenda ng EPA na ang mga estado, Tribe, mga teritoryo, at utility ng iniinom na tubig na nakakatuklas sa PFOA at PFOS ay maaaring magsagawa ng mga hakbang para mabawasan ang pagkakalantad. Ang karamihang gamit ng PFOA at PFOS ay kusang pinahinto ng mga manufacturer sa EstadosUnidos, kahit na limitado ang bilang ng mga patuloy na gamit nito, at ang mga kemikal na ito ay nananatili sa kapaligiran sanhi ng kakulangan sa pagbababa.
Sa unang pagkakataon, ipinapalabas ng EPA ang panghuling mga abisong pangkalusugan para sa perfluorobutane sulfonic acid at ang potassium salt nito (PFBS) at para sa hexafluoropropylene oxide (HFPO) dimer acid at ang ammonium salt (“GenX” chemicals) nito. Sa chemical at product na manufacturing, ang mga GenX na kemikal ay nakokonsidera na kapalit ng PFOA, at PFBS ay ikinokonsidera na pamalit sa PFOS. Ang GenX chemicals at PFBS na level ng abisong pangkalusugan ay lubos na mas mataas nang natuklasan, batay sa mga analysis ng panganib sa mga pinakahuling scientific na pag-aaral.
Ang mga bagong abisong pangkalusugan ng agency ay nagkakaloob ng teknikal na impormasyon na magagamit ng pederal, pang-estado, at lokal na agency para masabi ang mga kilos para matuklasan ang PFAS sa iniinom na tubig, kasama na ang pagbabantay sa kalidad ng tubig, pagpapahusay sa kasalukuyang mga teknolohiya na nagbabawas sa PFAS, at mga estratehiya para mabawasan ang pagkakalantad sa mga substance na ito. Hinihikayat ng EPA ang mga estado, Tribe, teritoryo, mga utility sa iniinom na tubig, at mga leader ng komunidad na ang pagtutuklas ng PFAS sa kanilang iniinom na tubig para makapagsagawa ng mga hakbang para masabi sa mga residente, magsagawa ng mga karagdagang pagbabantay para matasa ang level, saklaw , at pinagmumulan ng kontaminasyon, at masuri ng mga hakbang para mabawasan ang pagkakalantad. Ang mga indibiduwal na nababahala sa mga level ng PFAS na natuklasan sa kanilang iniinom na tubigay dapat na ikonsidera ang mga kilos na maaaring magbawas sa pagkakalantad, kasama na ang pagkakabit sa bahay o puntong paggagamitan ng filter.
Mga Susunod na Hakbang
Ang EPA ay sumusulong sa pagmumungkahi ng PFAS National Drinking Water Regulation sa Fall 2022. Habang nade-develop ng EPA ang namungkahing tuntunin na ito, tinatasa rin ng agency ang karagdagang PFAS na higit pa sa PFOA at PFOS at ikinokonsidera ang mga kilos para matugunan ang mga grupo ng PFAS. Ang pansamantalang mga payong pangkalusugan ay magbibigay ng gabay sa mga estado, Tribe, at mga water system sa loob ng isang takdang panahon bago magkabisa ang regulasyon.
Ang trabaho ng EPA para kilalanin at harapin ang mga panganib na dulot ng PFAS sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran ay isang mahalagang bahagi ng pamamaraan ng Biden-Harris Administration sa kabuuan ng gobyerno para maharap ang mga lumalabas na contaminant. Ang estratehiyang ito ay may kasamang mga hakbang mula sa Food and Drug Administration para mapadalasang pagsusuri para sa PFAS sa pagkain at packaging, ng U.S. Department of Agriculture para makatulong sa dairy farmer na matugunan ang kontaminasyon ng livestock, at ng Department of Defense para malinis ang nakontaminang mga militar na instalasyon at pag-aalis ng mga di kailangang gamit ng PFAS.
Para makatanggap ng grant funding na ipinahayag ngayong araw sa pamamagitan ng Bipartisan Infrastructure Law, ang mga estado at teritoryoay dapat na mag-sumite ng isang sulat ng paglalayon bago sumapit ang Agosto 15, 2022.
Upang makapagbigay ng mas maraming impormasyon sa publiko tungkol sa mga kilos na ito, ang EPA ay mamumuno sa isang webinar sa Hunyo 23, 2022, sa oras na 12:00 pm eastern daylight time. Para sa karagdagang impormasyon at para makapagparehistro, magpunta dito.
Balangkas ng Estratehiya ng PFAS
Ang mga kilos ngayong araw na ito ay nakakumpleto sa isang pang pangunahing pangako habang ipinapatupad ng agency ang PFAS Strategic Roadmap (Balangkas ng Estratehiya) ng Oktubre 2021. Sa ilalim ng Roadmap, ang EPA ay nakikipagtulungan sa kabuuan ng agency para maprotektahan ang publiko mula sa mga epekto sa kalusugan ng PFAS. Ang EPA ay nagsagawa na ng maraming pagkilos para makapaghatid ng pagsulong sa PFAS kasama ang:
- Pagpapalabas ng ikalimang Unregulated Contaminant Monitoring Rule para mapahusay ang pag-uunawa ng EPA sa dalas ng pagtutuklas sa 29 mga PFAS sa mga drinking water system sa bansa at anong mga level ang mga ito.
- Pagpapalabas ng unang Toxic Substances Control Act PFAS test na kautusan sa ilalim ng National PFAS Testing Strategy;
- Pagdadagdag ng limang PFAS sa talaan ng mga paglilinis sa nakontaminang site ng EPA;
- Paglalathala ng balangkas na kritesya sa aquatic life water quality para sa PFOA at PFOS;
- Pagpapalabas ng memo para proactive na matuklasan ang mga PFAS sa Clean Water Act na permiso; at
- Paglalathala ng bagong balangkas ng total adsorbable fluorine wastewater method.