Greenhouse Gas Reduction Fund
Binago ng Inflation Reduction Act ang Clean Air Act para makalikha ng isang bagong programa: ang Greenhouse Gas Reduction Fund. Ang natatanging ganitong uri ng programa ay magkakaloob ng mga kompetetibong grant para mapabilis ang financing at leverage sa pribadong capital para sa malinis na enerhiya at mga proyekto ng klima na magbabawas sa mga emission ng greenhouse gas - na nagbibigay diin sa mga proyekto na makikinabang sa low-income at mga nadedehadong komunidad - at para higit pang mapasulong ang panangutan ng Biden-Harris Administration para sa environmental justice.
Ang Greenhouse Gas Reduction Fund ay isang di pa kailanman nagagawang oportunidad para mapabilis ang pagpapatupad ng mga teknolohiya na nagbabawas sa greenhouse gas at mapoposisyon ang Estados Unidos para makipaglaban at manalo sa 21st century na ekonomiya.
EPA Administrator Michael S. Regan.
Ang Greenhouse Gas Reduction Fund ay nagkakaloob ng $27 billion sa EPA para sa mga gastusin hanggang sa Setyembre 30, 2024. Kasama dito ang:
- $7 billion para sa competitive grant para mapahintulutan ang low-income at nadedehadong mga komunidad na makapagpatupad o makinabang mula sa mga zero-emission na teknolohiya, kasama na ang distributed technologies sa mga residential na rooftop;
- Halos $12 billion para sa competitive grant sa mga karapat-dapat na entity para makapagbigay ng pinansiyal at teknikal na tulong sa mga proyekto na nagbabawas o umiiwas sa mga greenhouse gas emission; at
- $8 billion para sa competitive grant sa mga karapat-dapat na entity para makapagbigay ng pinansiyal at teknikal na tulong sa mga proyekto na nagbabawas o umiiwas sa mga greenhouse gas emission sa mga low-income at nadedehadong mga komunidad.
Ang EPA ay naglulunsad ng coordinated engagement strategy para makatulong na mahubog ang pagpapatupad ng Greenhouse Gas Reduction Fund at matiyak na ang ganap na pang-ekonomiko at environmental na benepisyo ng makasaysayang pamumuhunan na ito ay mapapatupad ng lahat ng mga American.
Mga Oportunidad para sa Pagsasali sa Publiko
Ang EPA ay magpapasimula sa isang serye ng mga listening session para mapahintulutan ang mga miyembro ng publiko at ang pangunahing mga stakeholder group para makapagbigay ng mga pananaw sa staff ng EPA sa pagpapatupad ng Greenhouse Gas Reduction Fund.
- Pambansang Pampublikong Listening Session – Nobyembre 9, 2022.
- Pambansang Pampublikong Listening Session – Nobyembre 1, 2022.
Humiling ng Impormasyon
Ang EPA ay naglathala ng isang Request for Information (RFI) na hangad ang komento ng publiko tungkol sa pangunahing mga aspekto ng disenyo ng Greenhouse Gas Reduction Fund. Ang abisong ito ay bukas sa loob ng 45 araw, hanggang sa Disyembre 5, 2022. Hinihikayat ng EPA na ang lahat ng mga nakasulat na feedback tungkol sa programa ay dapat isumite bilang pagtugon sa RFI.
Pagkuha ng Input mula sa Eksperto
Nagbigay ng isang pangkat ng mga formal charge na tanong ang EPA para sa review at komento ng eksperto sa Oktubre 18-19 na meeting sa Environmental Finance Advisory Board (EFAB). Dadalhin ng EFAB ang mga rekumendasyon nito sa Agency sa pagsapit ng Disyembre 15, 2022.
Tungkol sa Environmental Finance Advisory Board (EFAB)
Ang EFAB ay isang Federal Advisory Committee na nagbibigay ng payo at mga rekumendasyon sa Administrator ng EPA at ang regional at program na mga opisina tungkol sa mga paraan kung paano mapapababa ang mga gastusin, at mapataas ang mga pamumuhunan sa, environmental at proteksyon sa pampublikong kalusugan. Kasama sa EFAB ang maraming mga eksperto sa clean energy at climate finance, kasama na ang mga leader ng mga green bank at mga pinansyal na institusyon sa komunidad; mga opisyal ng pamahalaan ng estado at lokal; mga kinatawan ng mga kompanya at industriya; at mga miyembro ng environmental, tribes at non-governmental na organisasyon, bukod sa marami pang iba.