Ang amag at kalusugan
(Mold and Health)
(May kaugnayang impormasyon sa Ingles)
Paano nakaka-apekto ang amag sa mga tao?
Ang mga amag ay karaniwang hindi isang problema sa looban, maliban kung magkaroon ng mga amag sa basa o basa-
basa na punto at nagsisimulang dumami. Ang mga amag ay may kakayahang magdulot ng mga problema sa kalusugan. Ang mga amag ay nagdudulot ng mga allergen (mga substance na nagdudulot ng mga allergic reaction) at mga irritant. Pagsisingkot at paghahawak sa amag o mold spores ay maaaring magdulot ng mga allergic reaction sa mga sensitibong indibiduwal. Ang mga allergic reaction ay kinabibilangan ng mga tila lagnat na sintomas tulad ng pagbabahing, tumutulong sipon, mapupulang mata, at pamamantal sa balat.
Ang mga allergic reaction sa amag ay karaniwan lang. Maaaring agad o naantala ang mga ito. Ang mga amag ay maaari rin magdulot ng atake ng hika sa mga taong may hika na allergic sa amag. Dadgdag pa dito, ang pagkakalantad sa amag ay maaaring magpa-irita sa mga mata, balat,ilong, lalamunan, at baga ng parehong mga taong may allergy at wala sa amag. Ang mga sintomas bukod pa sa nabanggit na allergic at irritant ay hindi karaniwang nauulat bilang resulta ng paglalanghap ng amag. Patuloy ang mga pananaliksik sa amag at mga epekto nito sa kalusugan.
Ang mga nakasaad sa itaas ay hindi naglalarawan sa lahat ng mga posibleng epekto sa kalusugan na may kaugnayan sa pagkakalantad sa amag. Para sa mas detalyadong impormasyon, makipagkonsulta sa isang propesyonal sa kalusugan, sa health department sa inyong estado o lokal, o sa Centers for Disease Control and Prevention mold na website. (Sa wikang Ingles)