Pagpoprotekta sa Inyong Sarili mula sa Radiation
[Protect Yourself from Radiation]
Ang radiation ay bahagi ng inyong buhay. Ang background radiation, na pangunahing nagmumula sa mga natural minera, ay pumapalibot sa atin parati. Sa kabutihang palad, kakaunti ang mga situwasyon kung saan ang isang pangkaraniwang tao ay nalalantad sa mga di makontrol na pinagmumulan ng radiation na nahihigit sa background. Gayunpaman, mahusay na maghanda at alamin kung ano ang dapat gawin kung maganap ang nasabing situwasyon.
Ang isa sa pinakamainam na paraan ay maghandang maunawaan ang mga prinsipyo sa oras, layo at pananangga bilang proteksyon sa radiation. Habang may isang medikal na radiation (malaking pagpapalabas ng radioactive material sa kapaligiran), magagamit natin ang mga prinsipyong ito para makatulong na protektahan ang ating mga sarili at ang ating mga pamilya.
- Oras, layo at pananangga
- Mga emergency ng radiation
- Saan kayo dapat magpunta kapag may emergency ng radiation
- Paano maghanda para sa isang radiation emergency
- Potassium Iodide
Oras, Layo at Pananangga
Ang oras, layo at mga kilos ng pananangga ay nagpapakaunti sa inyong pagkakalantad sa radiation sa parehong paraan na magagawa nito para protektahan kayo laban sa sobrang pagkakalantad sa araw:
- Oras: Para sa mga taong nalalantad sa radiation bilang pandagdag sa likas na radiation sa background, ang paglilimita o pagpapakaunti sa oras ng pagkakalantad ay nagbabawas ng dosis mula sa pinagmumulan ng radiation.
- Layo: Tulad ng pagbabawas ng init kapag ikaw ay lumalayo sa isang apoy, ang dosis ng radiation ay malaki ang nababawas habang ikaw ay lubos na napapalayo mula sa pinagmumulan nito.
- Pananangga: Ang mga harang ng lead, kongkreto, o tubig ay nagkakaloob ng proteksyon mula sa sumusuot na gamma rays at x-rays. Ito ang dahilan kung bakit ang ibang mga radioactive na material ay natatabi sa ilalim ng tubig o kongkreto o mga kuwarto na napapahiran ng lead, at kung bakit naglalagay ang mga dentista ng lead na kumot sa mga pasyente na sumasailalim sa x-ray ng kanilang ngipin. Samakatuwid, ang paglalagay ng wastong panangga sa pagitan ninyo at ng pinagmumulan ng radiation ay may malaking pagbabawas o matatanggal ang dosis na natatanggap ninyo.
Mga Emergency ng Radiation
Sa isang malakihang pagpapalabas ng radiation, tulad ng aksidente sa nuclear power plant o isang kaganapan ng terorismo, ang sumusunod na payo ay nasura at napatunayan na nagkakaloob ng maximum na proteksyon.
Kung naganap ang isang emergency na radiation, maaari kayong magsagawa ng mga kilos para protektahan ang inyong sarili, ang inyong mga mahal sa buhay at inyong mga alagang hayop: Pumasok sa Looban, Manatili sa Looban at Maghintay ng balita. Sundan ang mga payo nga emergency responders at mga opisyal.
Pumasok sa Looban
Sa isang emergency na radiation, maaaring hilingin sa inyong pumasok sa loob ng isang gusarli at sumilong sa isang takdang panahon.- Ang kilos na ito ay tinatawag na “shelter in place (pagsisilong sa isang lugar).”
- Magpunta sa gitna ng gusali o basement, malayo mula sa mga pinto at bintana.
- Dalhin ang mga alagang hayop sa looban.
Manatili sa Looban
Ang mga gusali na nagkakaloob ng malaking proteksyon mula sa radiation. Mas maraming mga pader sa pagitan ninyo at ng labasan ay nangangahulugan na mas maraming mga harang ang nasa pagitan ninyo at ang radioactive na material sa labasan. Ang mabilisang pagpasok at pananatili sa loob pagkatapos ng isang aksidenteng radiological ay maaaring makalimita sa inyong pagkakalantad sa radiation at posibleng masasagip ang inyong buhay.- Isara ang mga bintana at pinto.
- Maligo o punasan ang mga nalantad na parte ng inyong katawan gamit ang isang mamasa-masang tuwalya.
- Uminim ng bottled water at kumain mula sa mga nakaselyong lalagyan.
Maghintay ng Balita
Ang mga emergency official ay sanay na tumugon sa mga situwasyon ng sakuna at magkakaloob ng mga tiyak na kilos para mapanatiling ligtas ang mga tao. Maaaring sa pamamagitan ito ng social media, emergency alert systems, television, o sa radyo.- Kunin ang pinakahuling impormasyon mula sa radyo, television, sa Internet, mobile device, atbp.
- Ang mga emergency official ay magkakaloob ng impormasyon kung saan pupunta para masuri kung nakontamina.
Kung natiyak o naka-ugnayan ninyo ang isang pinagmumulan ng radioactivity, hanapin at makipag-ugnayan sa inyong state radiation control office. [lumabas sa EPA website].
Saan Kayo Dapat Magpunta Kapag May Emergency ng Radiation
Magpunta sa basement o sa gitna ng isang matatag na gusali. Ang radioactive na material ay nananatili sa labas ng mga gusali, kaya’t ang pinakamainam na gawin ay manatiling malayo hangga’t maaari mula sa mga pader at bubungan ng gusali. Manatili sa looban ng kahit man lang 24 oras hanggang sabihin ng mga emergency response official na ok na kayo ay lumabas. SAAN PUPUNTA TUWING MAY RADIATION NA EMERHENSYA.Paano Maghanda Para sa Isang Radiation Emergency
Tulad ng anumang emergency, mahalagang magkaroon ng planong nakatalaga para alam ninyo at ng inyong pamilya kung paano ang gagawin sa kaganapan ng isang aktuwal na emergency. Gawin ang mga sumusunod na hakbang ngayon para maihanda ang inyong sarili at ang inyong pamilya:
- Protektahan ang Inyong Sarili: Kapag may naganap na isang radiation emergency, pumasok sa looban, manatili sa looban at maghintay ng balita. Ulitin ang mensaheng ito sa inyong pamilya sa mga oras na di emergency para malaman nila kung ano ang dapat gawin kung may radiological emergency na maganap.
- Gumawa ng Plano ng Komunikasyon ng Pamilya sa Isang Emergency: Ibahagi ang inyong plano ng komunikasyon ng pamilya at ensayuhin ito para malaman ng inyong pamilya kung paano dapat tumugon sa isang emergency. Para sa karagdagang impormasyon sa paglilikha ng plano, kasama ang mga template, bumisita sa “Make a Plan (Gumawa ng Plano)” sa Ready.gov/plan (na pahina sa Ingles).
- Gumawa ng isang Emergency Supply Kit: Ang kit na ito ay magagamit sa anumang emergency at maaaring may kasamang hindi nasisirang pagkain, mga nagagamitan ng baterya o nasususian na radyo, tubig, flashlight, mga baterya, first aid na supply at mga kopya ng inyong mahahalagang impormasyon kung kailangan ninyong lumikas. Para sa karagdagang impormasyon kung anong mga supply ang dapat isama, magpunta sa Basic Disaster Supplies Kit sa Ready.gov/kit (na pahina sa Ingles)
- Magkaroon ng kaalaman sa Plano para sa Mga emergency ng Radiation sa inyong Komunidad: Tingnan sa inyong mga lokal na opisyal, sa paaralan ng inyong anak, kung saan kayo nagtatrabaho, at iba pa, kung paano sila naghahanda sa pagkikilos kung may radiological na emergency.
- Magkaroon ng kaalaman sa Public Alert at Notification Systems: Ang mga system na ito ay gagamitin para bigyang alerto ang publiko kung may maganap na radiological na pangyayari. Maraming mga komunidad ay may text o email alert system para sa mga abiso ng emergency. Alamin kung aling mga alert ang available sa inyong area, hanapin sa Internet ang para sa inyong bayan, lungsod, pangalan ng county at ang salitang “alerts.”
- Tiyakin ang Mapagkakatiwalaang Pinagkukuhanan ng Impormasyon: Tiyakin ang mga mapagkakatiwalaang pinagkukuhanan ng impormasyon ngayon at balikan ang mga ito sa kaganapan ng isang emergency para sa mga mensahe at instruksyon. Sa kasamaang palad, alam namin batay sa mga nakaraang sakuna at emergency na ang maliliit na bilang ng mga indibiduwal ay maaaring magsamantala sa pagkakalat ng maling impormasyon.
Potassium Iodide (KI)
Huwag kailanman uminom ng potassium iodide (KI) o ibigay ito sa iba maliban na lang kung tiyak na pinayo sa inyong gawin ito ng departamento ng kalusugan, ng mga emergency management official o ng inyong doktor.
Ang KI ay ginagamit lang sa mga situwasyon kung saan ang radioactive iodine ay napalabas sa kapaligiran, at pinoprotektahan lang nito ang thyroid gland. Ang KI ay gumagana sa pamamagitan ng pagpupuno sa thyroid gland ng isang tao ng stable iodine para ang nakakasamang radioactive iodine mula sa naipalabas na radioactivity ay hindi masipsip ng katawan, at nakakabawas sa panganib ng kanser sa thyroid sa hinaharap.
Ang mga katanungan at sagot sa ibaba ay mula sa pahina ng Potassium Iodide (KI) ng website ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) (sa wikang Ingles).
Ano ang Potassium Iodide?
Ang KI (potassium iodide) ay hindi pumipigil sa radioactive iodine na makapasok sa katawan at hindi mababaliktad ang mga epekto sa kalusugan na sanhi ng radioactive iodine sa sandaling ang thyroid ay napinsala.
Ang KI (potassium iodide) ay nagpoprotekta lang sa thyroid, hindi sa iba pang mga parte ng katawan, mula sa radioactive iodine.
Ang KI (potassium iodide) ay hindi nagpoprotekta sa katawan mula sa mga radioactive na elemento bukod sa radioactive iodine—kung ang radioactive iodine ay hindi matatagpuan, ang pag-inom ng KI ay hindi nakakaprotekta at hindi nagdudulot ng pinsala.
Ang table salt at ang mga pagkain na mayaman sa iodine ay hindi sapat ang iodine para mahadlangan ang radioactive iodine na makapunta sa inyong thyroid gland. Huwag gumamit ng table salt o pagkain bilang pamalit sa KI.
Paano gumagana ang KI (potassium iodide)?
Hindi mapagkakaiba ng thyroid gland ang table salt mula sa radioactive iodine. Pareho itong masisipsip.
Ang KI (potassium iodide) ay humaharang sa radioactive iodine mula sa pagpasok sa thyroid. Kapag ang tao ay umiinom ng KI, ang stable iodine sa gamot ay nasisipsip ng thyroid.
Dahil ang KI ay naglalaman ng maraming table iodine, ang thyroid gland ay nagiging “puno” at hindi makakasipsip ng anumang iba pang iodine-stable man o radioactive-sa susunod na 24 oras.
Ang KI (potassium iodide) ay hindi makakapagbigay sa isang tao ng 100% proteksyon laban sa radioactive iodine. Ang proteksyon ay titindi depende sa tatlong factor.
- Panahon makalipas ang kontaminasyon: Mas madaling makainom ng KI ang isang tao, mas maraming panahon bago mapuno ang thyroid ng stable iodine.
- Pagkakasipsip: Ang dami ng stable iodine na napupunta sa thyroid ay depende kung gaano kabilis nasisipsip ang KI sa dugo.
-
Dosis ng radioactive iodine: Ang pagpapakaunti ng total na dami ng radioactive iodine na nalantad ang isang tao ay magpapababa sa dami ng nakakasamang radioactive iodine na nasisipsip ng thyroid.
Gaano kadalas dapat inumin ang KI (potassium iodide)?
Ang pag-iinom ng mas malakas na dosis ng KI (potassium iodide), o pagkuha ng KI nang mas madalas kaysa sa inirerekumenda, ay hindi naghahandog ng mas maraming proteksyon at maaaring magdulot ng malubhang sakit o kamatayan.
Ang isang dosis ng KI (potasium iodide) ay nagpoprotekta sa thyroid gland ng 24 oras. Ang isang beses na dosis sa inirerekumendang mga level ay karaniwang kinakailangan lang para maprotektahan ang thyroid gland.
Sa ilang mga kaso, maaaring malantad ang mga tao sa radioactive iodine nang higit sa 24 oras. Kung mangyari ito, ang pampublikong kalusugan o emergency management officials ay maaaring magsabi sa inyong uminom ng isang dosis ng KI (potassium iodide) tuwing 24 oras ng ilang araw.
Ano ang mga side effect ng KI (potassium iodide)?
Ang mga side effect ng KI (potassium iodide) ay maaaring makabilangan ng pananakit ng tiyan o gastro-intestinal, mga allergic reaction, mga pamamantal, at pamamaga ng salivary gland.
Kapag ininom ayon sa rekumendasyon, ang KI (potassium iodide) ay maaaring magdulot ng bihirang salungat na epekto sa kalusugan na may kaugnayan sa thyroid gland.
- Uminom ng mas mataas kaysa sa inirekumendang dosis ng KI
- Uminom ng gamot sa loob ng maraming araw
- May pauna nang sakit sa thyroid.
Mga bagong panganak (mas bata sa 1 buwan) na nakatanggap ng higit sa isang dosis ng KI (potassium iodide) ay nanganganib sa kondisyon na tinatawag na hypothyroidism (thyroid hormone levels na masyado mababa). Kung hindi magamot, ang hypothyroidism ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak.