Saan Malalaman ang Iba pa Tungkol sa Ethylene Oxide
(Kaugnay na impormasyon sa Tagalog)
PAUNAWA: Karamihan ng mga link sa page na ito ay Ingles ang nilalaman.
Ang EPA, mga ahensya ng estado at lokal, at ang mga kumpanyang gumagamit ng ethylene oxide (EtO) ang responsable sa pagbabawas ng dami ng EtO na nakalantad ang mga tao sa trabaho at sa kanilang komunidad sa dalawang pangunahing paraan: sa paglalaan ng malilinaw na direksyon tungkol sa mga tatak ng pesticide, kabilang na ang mga hakbang na nagpoprotekta sa kalusugan ng mga manggagawa; at sa paglimita sa dami ng EtO na umaabot sa hangin sa labas.
Kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa pagkalantad sa EtO kung saan ka nakatira, dapat mong kontakin ang iyong lokal na Department of Health, ang awtoridad na pangkapaligiran sa iyong estado, o ang EPA. Malalaman mo rin ang iba pa tungkol sa pollutant na ito sa iyong komunidad, at kung paano ka makakalahok sa mga proseso ayon sa regulasyon.
Pangalagaan ang Iyong Kalusugan
Para sa mga nasa hustong gulang
Ang pangangalaga sa iyong kalusugan ay laging mahalaga. Kung iniisip mo na nalalantad ka sa ethylene oxide sa hangin sa labas o sa paggamit ng pesticide, siguruhing sundin ang pang-araw-araw na mga pagpapasuri ng kalusugan at mga pagbisita sa doktor. Kung mayroon kang mga alalahanin sa kalusugan na naniniwala kang may kaugnayan sa pagkalantad sa EtO, magsimulang kontakin ang isang healthcare provider. Bilang karagdagan, makakatulong ang Agency for Toxic Substances and Disease Registry (ATSDR) na masagot ang mga pangkalahatang tanong tungkol sa mga kaugnayan sa pagitan ng pagkalantad sa EtO at ng mga kalagayan ng kalusugan batay sa mga natuklasan sa pag-aaral ng kalusugan. Maaari mong kontakin ang ATSDR sa: EtO@cdc.gov.
EtO at ang Kalusugan ng Iyong Anak
Kung nag-aalala ka tungkol sa EtO at sa kalusugan ng iyong anak, magandang magsimula sa pagkontak sa iyong health care provider. Kung hindi pamilyar ang iyong provider sa EtO, maaari ka nilang tulungang kontakin ang Pediatric Environmental Health Specialty Unit (PEHSU) na nagsisilbi sa inyong lugar. Ang EPA at ang ATSDR ay tumutulong na pondohan ang mga PEHSU, na pinagmumulan ng impormasyong medikal at ng payo tungkol sa mga kundisyon sa kapaligiran na nakakaimpluwensya sa kalusugan sa pagbubuntis at sa kalusugan ng mga bata. Kung wala kang doktor, maaari mong kontakin nang direkta ang PEHSU para sa inyong lugar.
- Maghanap ng mga eksperto sa PEHSU sa inyong lugar.
- Basahin ang iba pang impormasyon tungkol sa mga PEHSU
Gusto ng iba pang mga detalye tungkol sa EtO at kalusugan?
Dagdag pa sa impormasyon sa fact sheet na ito, maaaring makatulong ang mga mapagkukunang ito sa pederal:
- Kasama sa Notebook ng mga Epekto sa Kalusugan para sa Mapanganib na mga Pollutant sa Hangin ang isang summary fact sheet tungkol sa EtO: Ethylene Oxide - CAS 75-21-8 (pdf) (12/20/2018)
- Mga tanong at mga sagot na may kaugnayan sa kalusugan at sa ethylene oxide sa hangin.
- Impormasyon tungkol sa patuloy na muling pagsusuri ng EPA kung paano ginagamit ang EtO bilang isang pesticide.
- Ipinasya sa in-update na panghuling pagtatasa sa Integrated Risk Information System (IRIS) ng EPA noong 2016 na ang EtO ay carcinogenic sa mga tao kapag sila ay nalantad sa pamamagitan ng paglanghap. Basahin ang mga dokumentong teknikal para sa pagtatasang ito.
- Ang buod ng mga epekto sa kalusugan na may kaugnayan sa pagkalantad sa ethylene oxide exposure na nagmula sa National Cancer Institute.
Alamin ang iba pa tungkol sa EtO sa inyong komunidad
Toxics Release Inventory (TRI) ng EPA
Ang TRI ng EPA ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa dami ng mga nakalalasong kemikal na pinakakawalan taun-taon sa hangin, tubig at lupa, o kaya’y itinuring na basura ng mga pasilidad sa buong Estados Unidos. Karamihan sa mga pasilidad na ito ay yaong sangkot sa pagmimina ng metal, paglikha ng kuryente, paggawa ng mga kemikal at mapanganib na paglilinis ng basura, at kinabibilangan ng mga pasilidad na pederal. Ang ethylene oxide ay isang kemikal na nakalista sa TRI, at ang mga pasilidad ay pinag-uulat kung sumobra ang dami nito para sa mga aktibidad na tulad ng paggawa o pagproseso.
Paunawa: Hindi lahat ng sektor ng industriya ay sakop ng TRI Program, at hindi lahat ng pasilidad sa sakop na mga sektor ay pinag-uulat. Para sa isang buod ng impormasyon ng TRI tungkol sa EtO, tingnan ang 2019 TRI EtO Fact Sheet. Maaari mo ring gamitin ang TRI Search Plus para mahanap ang mga pasilidad na nag-uulat ng mga pagbubuga ng ethylene oxide na malapit sa iyo.
National Emissions Inventory (NEI) ng EPA
Ang NEI ng EPA ay naglalaan ng detalyadong tantiya ng mga pagbubuga ng mga pollutant sa hangin, kabilang na ang mapanganib na mga pollutant sa hangin (ang EtO ay isang mapanganib na pollutant sa hangin). Ang imbentaryong ito ay inilalabas tuwing tatlong taon, batay una sa lahat sa datos na laan ng mga pamahalaan ng estado, lokal at tribo. Dahil ang mga pamahalaan ng estado, lokal at tribo ay hindi pinag-uulat sa NEI tungkol sa mapanganib na mga pollutant sa hangin, hindi kabilang sa imbentaryong ito ang bawat kemikal o pasilidad sa bansa.
Hanapin ang impormasyon tungkol sa EtO mula sa NEI sa paggamit ng “facility mapping” link sa itaas ng page. Piliin ang iyong estado, pagkatapos ay piliin ang ethylene oxide mula sa listahan ng mga pollutant (sa listahan ng mga pollutant sa ilalim ng “HAP”). I-klik ang submit para palabasin ang mapa. Kapag nakita mo na ang mapa, maaari kang mag-klik sa mapang may mga pulang dot para mahanap ang dami ng mga pagbubuga ng EtO na iniulat ng indibiduwal na mga pasilidad, o maaari mong gamitin ang table sa ibaba ng mapa para makita ang impormasyong iyon. Maaari mo ring hanapin ang kabuuang mga pagbubuga ng EtO ayon sa kategorya ng industriya gamit ang data query link na nasa page.
Ang estado o lokal na mga ahensya tungkol sa hangin ay maaaring pagmulan ng impormasyon
Maraming pasilidad ang pinakukuha ng permit sa pagbubuga ng polusyon sa hangin. Ang mga permit na ito ay naglilimita sa dami ng mga pollutant na maaaring ibuga. Karaniwan ay responsibilidad ng mga ahensya ng estado at lokal ang pagbibigay ng permit, at ang ilan ay nagpo-post ng mga permit sa kanilang website. Hindi nakatitiyak kung aling ahensya ng estado sa inyong lugar ang nag-iisyu ng naturang mga permit? Magandang magsimula sa ahensyang pangkapaligiran sa inyong estado.
Ang ilang estado ay may sarili nilang mga regulasyon sa hangin para sa EtO. Maaaring may mapagkukunan din sa indibiduwal na ahensyang pangkapaligiran o kagawarang pangkalusugan na nagbabalangkas sa lokal na mga regulasyon at sa mga pagsisikap nilang bawasan ang mga pagbubuga at ipaalam iyon sa mga komunidad.
Manatiling up to date tungkol sa ginagawa ng EPA para malaman kapag may mga oportunidad para makapagbigay ng input ang publiko
Muling pag-aaral tungkol sa mga regulasyon sa hangin
Muling pinag-aaralan ng EPA ang kasalukuyang mga regulasyon na naglilimita sa mga pagbubuga ng EtO ng mga industriya sa hangin, at naglalaan ito ng tulong sa mga ahensya ng estado tungkol sa hangin habang nagsisikap silang malaman ang iba pa tungkol sa mga pagbubuga ng EtO mula sa mga pasilidad sa kanilang mga nasasakupan at tukuyin ang mga oportunidad para maagang mabawasan ito. Basahin ang mga update sa gawain na ito.
Muling pagsusuri sa mga gamit ng EtO bilang isang pesticide
Tulad sa lahat ng pesticide, kailangang muling suriin ng EPA ang mga gamit ng EtO bilang isang pesticide tuwing 15 taon upang matiyak na maisasagawa ng pesticide ang nilayong gamit nito nang walang hindi makatwirang masasamang epekto sa kalusugan ng tao o sa kapaligiran. Basahin ang mga dokumentong may kaugnayan sa muling pag-aaral na ito.
Alamin kung paano makilahok sa proseso ng pederal sa paggawa ng mga tuntunin
Kapag naglalathala ang EPA ng isang iminungkahing tuntunin, kabilang doon ang isang panahon para magkomento. Sa panahong iyon, sinuman ay maaaring magkomento sa Agency tungkol sa anumang aspeto ng iminungkahing regulasyon. Para sa ilang tuntunin, nagdaraos ang EPA ng isang pampublikong pagdinig kung saan maaari kang magkomento nang personal. Ang Agency ay laging tumatanggap ng mga komento sa panulat. Lahat ng komento – personal man o nakasulat – ay binibigyan ng iisang antas ng konsiderasyon.
- Basahin ang mga tip sa pagbibigay ng epektibong mga komento.
- Nakapagdaos na rin ng mga webinar ang EPA tungkol sa Mga Pamamaraan at Kasanayan sa Pagbibigay ng Epektibong Input sa Proseso ng EPA sa Paggawa ng mga Tuntunin. Panoorin ang isang recording.
- Tingnan ang mga webinar slide: Abril 24, 2019 - Mga Webinar Slide - Epektibong Input sa Paggawa ng mga Tuntunin (pdf)
Alamin kung ano ang pinag-aaralan ng EPA tungkol sa EtO
Pagsubaybay sa background ng EtO
Ginagamit ng EPA at ng ilang estado ang umiiral at matagal nang mga site sa pagsubaybay para alamin kung gaano karaming EtO ang nasa hangin na hindi dahil sa isang partikular na pasilidad batay sa kasalukuyang datos at mga pamamaraan. Basahin ang isang fact sheet na naglalaan ng isang buod ng pagsisikap na ito: Ang Pagsisikap ng EPA na Maunawaan ang mga Antas ng Background ng Ethylene Oxide (pdf)
Pagdaraos ng pagsasaliksik
Ang EPA ay nagdaraos din ng pagsasaliksik para alamin ang iba pa kung paano gumagalaw ang EtO sa kapaligiran at magbuo ng mga pamamaraan para mas tiyak na masukat ito sa hangin sa labas. Basahin ang mga update sa pagsisikap na iyon.
Alamin ang tungkol sa patuloy na pagsisikap at mga kinakailangan sa iba pang mga ahensyang pederal
Mga Sentro sa Pagkontrol ng Sakit
- Ang Agency for Toxic Substances and Disease Registry (ATSDR) ay naglalaan ng impormasyong siyentipiko at mga epekto sa kalusugan tungkol sa EtO. Ang isang mapagkukunan ay ang Toxicological Profile ng ATSDR para sa Ethylene Oxide at kalakip na information sheet ToxFAQsTM.
- Ang National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH) ay isang ahensya sa pagsasaliksik na nakatutok sa pagtiyak ng ligtas at malusog na mga kundisyon sa trabaho. I-access ang mga mapagkukunan ng NIOSH tungkol sa EtO.
Ang Food and Drug Administration (FDA)
Bago dalhin sa merkado ang mga medikal na gamit na may tatak na “sterile,” muling pinag-aaralan ng FDA ang impormasyon tungkol sa sterilization na nakasaad sa mga pagsusumite ayon sa regulasyon. Sinisiyasat din ng FDA ang mga pasilidad na nag-i-sterilize ng medikal na mga gamit para matiyak na na-validate na ang mga proseso sa pag-sterilize. Ang mga proseso sa pag-sterilize ay karaniwang ibina-validate gamit ang mga pamantayan sa pinagkasunduan na kinikilala ng FDA. Ang FDA ay nagdaraos ng mga hamon sa inobasyon para matukoy ang mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa pag-sterilize at mabawasan ang mga pagbubuga ng ethylene oxide. Alamin ang iba pa tungkol sa mga makabagong hamon.
Ang Occupational Safety and Health Administration (OSHA)
Ang OSHA ang nagtatakda ng mga pamantayan sa pinagtatrabahuhan para sa pagkalantad sa EtO at naglalaan ng iba pang mga mapagkukunan para sa mga employer. Basahin ang isang fact sheet mula sa OSHA (pdf).