External Civil Rights Compliance Office (Title VI) - Tagalog
Kung hindi ka nakakapagsalita, nakakabasa, nakakapagsulat, o nakakaunawa ng wikang Ingles, mangyaring magpadala ng email sa LanguageInterpretationTranslationRequest@epa.gov para humiling ng mga serbisyo ng interpretation o pagsasalin-wika ng libre.
Kung ikaw ay mayroong mga kapansanan at kailangan ng makatuwirang mga pagbabago at/o pandagdag na tulong at serbisyo, mangyaring magpadala ng email sa LanguageInterpretationTranslationRequest@epa.gov upang mahiling nang libre ang mga serbisyo.
Noong Disyembre 2016, ang U.S. Environmental Protection Agency ay nagsagawa ng mga hakbang para mapatatag ang kakayahan ng ahensya upang magawa ang mga responsibilidad nito sa pagpapatupad ng external civil rights sa pamamagitan ng muling pagsasaayos ng mga tungkulin ng dating Office of Civil Rights (OCR) bilang paggalang sa External Compliance and Complaints Program nito. Ang trabahong ito para sa external civil rights ay napapaloob na sa organisasyon ng External Civil Rights Compliance Office, na matatagpuan sa Office of General Counsel ng EPA. Ang External Civil Rights Compliance Office ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng parehong pederal na inutos na mga responsibilidad para mapatupad ang ilang mga batas para sa karapatang sibil na, magkasama, ay ipagbabawal ang diskriminasyon na batay sa: lahi, kulay, o pinagmulang bansa (kasama na ang batayan ng limitadong kaalaman sa wikang Ingles); kasarian, kapansanan; at edad ng mga aplikante para at sa mga tumatanggap ng federal financial assistance (pederal na pinansiyal na tulong) mula sa EPA. (Ang Title VI ng Civil Rights Act of 1964, Title IX ng Education Amendments of 1972, Section 504 ng Rehabilitation Act of 1973, at ang Age Discrimination Act of 1975, na sinulat ayon sa pagkakasunod-sunod sa pagkakabanggit), at pati na rin ang responsibilidad para sa pagpapatupad ng Section 13 ng Federal Water Pollution Control Amendments ong 1972 na ipinagbabawal ang diskriminasyon batay sa kasarian sa ilalim ng mga programa o aktibidad na tumatanggap ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng Clean Water Act.
- Malawakang Pananaw
- Pagsasampa ng reklamo hinggil sa diskriminasyon laban sa isang tumatanggap ng mga pondo ng EPA
- External Civil Rights Compliance Office Strategic Plan and Case Resolution Manual (Plano ng Estratehiya at Manual para sa Paglulutas ng Kaso)
Malawakang Pananaw
Ang External Civil Rights Compliance Office (ECRCO), na napapaloob sa Office of General Counsel ay may responsibilidad sa pagpapatupad ng ilang mga batas sa karapatang sibil na, magkasama, ay ipinagbabawal ang diskriminasyon batay sa:
- lahi, kulay, o pinagmulang bansa (kasama ang batayan ng limitadong kaalaman sa wikang Ingles)
- kasarian
- kapansanan
- edad
ng mga aplikante para sa o mga tumanggap ng federal financial assistance (pedeal na pinansiyal na tulong) mula sa EPA. (Title VI ng Civil Rights Act of 1964, Title IX ng Education Amendments of 1972, Section 504 ng Rehabilitation Act of 1973, at ang Age Discrimination Act of 1975.) Ang ECRCO ay may pananagutan rin sa pagpapatupad ng Section 13 ng Federal Water Pollution Control Act Amendments of 1972 na nagbabawal sa diskriminasyon batay sa kasarian sa ilalim ng mga programa o aktibidad na tumatanggap ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng Clean Water Act. Tungkulin ng ECRCO na tiyakin na anumang entidad na tumatanggap ng mga pondo ng EPA ay nakakasunod sa pederal na batas laban sa diskriminasyon. Ang ECRCO ay ang tanggapan ng programa ng EPA na nilikha para matiyak na ang mga tumatanggap ng pinansiyal na tulong mula sa EPA at ang iba pa ay nakakasunod sa mga nauugnay na kahilingan ng kawalan ng diskriminasyon sa ilalim ng pederal na batas. Kung ang isang reklamo ng diskriminasyon ay naisampa sa ECRCO laban sa isang programang tumatanggap ng pagpopondo ng EPA, pinoproseso ito ng ECRCO.
Pagsasampa ng Reklamo hinggil sa Diskriminasyon Laban sa isang Tumatanggap ng mga Pondo ng EPA
Para sa karagdagang impormasyon mangyari lang basahin Paano Magsampa ng Reklamo hinggil sa Diskriminasyon na brochure.
- Paano Magsampa ng Reklamo hinggil sa Diskriminasyon na brochure
- Form para sa Reklamo
- Ang reklamo ay dapat nasa isang kasulatan.
- Ang reklamo ay dapat kumikilala sa entidad na pinaratang na nagsagawa ng kilos na may diskriminasyon.
- Ang reklamo ay dapat nagpaparatang ng diskriminasyon na ipinagbabawal sa isa sa mga batas na ipinapatupad ng ECRCO.
- Ang reklamo ay dapat isampa sa loob ng 180 araw na batay sa kalendaryo mula sa petsa ng huling kilos ng naparatang na diskriminasyon.
Ipadala ang impormasyon sa:
U.S. Environmental Protection Agency
Mail code 2310A
1200 Pennsylvania Avenue, NW
Washington, DC 20460
Ipadala sa email ang impormasyon sa:
Title_VI_Complaints@epa.gov
O i-fax sa:(202) 565-0196
Para sa anumang mga katanungan, mangyari lang sumulat sa ECRCO sa address na nakasaad sa itaas o tumawag sa ECRCO sa (202) 564-3316
External Civil Rights Compliance Office Strategic Plan and Case Resolution Manual (Plano ng Estratehiya at Manual para sa Paglulutas ng Kaso)
Noong Enero 12, 2017, ang External Civil Rights Compliance Office ay panghuling ipinalabas ang External Civil Rights Compliance Office Strategic Plan 2015-2020 ng EPA, at ang Case Resolution Manual, para matamo ang nasa oras na mabisa at episyenteng pamamahala ng docket. Available sa mga sumusunod na link: